Heavy Bombers kontra Cardinals sa NCAA

MANILA, Philippines - Simula na ng stepladder semifinal round.

Magtatagpo ang Jose Rizal University at ang Mapua Institute of Technology ngayong alas-4 ng hapon sa 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Ang mananaig sa pagitan ng Heavy Bombers (No. 3) at Cardinals (No. 4) ang makakasagupa ng nagdedepensang San Sebastian Stags (No. 2) sa isa na namang ‘do-or-die’ game sa Biyernes.

Sinikwat ng San Beda College ang outright finals berth nang walisin ang double-round eliminations sa kinumpletong 16-game sweep.

Show comments