^

PSN Palaro

29th PCA Open hahataw sa Nobyembre 6

-

MANILA, Philippines - Ang 29th Philippine Columbian Association (PCA) Open, ang pinakaprestihiyosong tennis tournament sa bansa, ay gaganapin mula Nobyembre 6 hanggang Disyembre 12.

Sa ikatlong sunod na taon, ang PCA Open ay ihahandog ng Cebuana Lhuillier. 

Ang mga events na kabilang dito ay ang men’s at ladies’ singles at doubles events, ang men’s at ladies inter-club events, ang boys at girls inter-college events, at ang juniors events.

Idaragdag sa taong ito ang Executive Amateur Team Tennis event na bukas sa lahat ng recreational players na kailanma’y hindi naglaro bilang professionals o naging ranked player. 

Gagamitin dito ang age classification format. Iniimbitahan ng PCA ang lahat ng tennis clubs na lumahok sa event na ito.

Ang PCA Open ay isasaere sa NBN 4 sa tatlong yugto.

Ang Opening Ceremonies, juniors, at amateur team tennis events ay ipa­lalabas sa Disyembre 5. 

Ang mga laban sa main team tennis competition, kasama na rin ang mga unang rounds ng men’s at ladies singles at doubles ay ipalalabas sa Disyembre 19, samantalang ang men’s at ladies singles final ay ihahatid sa Disyembre 26.

Lahat ng laro ay magsisimula sa ganap na alas-2 ng hapon

Gaya ng nakaraang mga torneo, ang Dunlop ang siyang official ball ng PCA Open.

ANG OPENING CEREMONIES

CEBUANA LHUILLIER

DISYEMBRE

DUNLOP

EVENTS

EXECUTIVE AMATEUR TEAM TENNIS

GAGAMITIN

GAYA

IDARAGDAG

PHILIPPINE COLUMBIAN ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with