^

PSN Palaro

RP paddlers aatras na sa Asiad

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagbabalak na ang dragon boat team na huwag ng ituloy ang paglahok sa Asian Games sa Guangzhou Chi­na.

Naiinis na ang koponan dahil sa patuloy silang hinihingian ng time trial para opisyal na maisama sa Pam­bansang delegasyon pero hindi pa naman sila ma­kapagsanay sa La Mesa Dam na kung saan dito isasagawa ang qualifying time trial.

“Hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakalipat. Ang usapan namin ay kailangang magkaroon muna kami ng training sa venue ng at least 10 days bago isagawa ang time trial,” wika ni technical director Nestor Ilagan.

Binubuo ng 48 katao para sa male at female teams, ang dragon boat ay isa sa mga sinasandalan na magmemedalya sa Guangzhou dahil ang mga ito ay hinirang bilang world champions.

Pero hindi sila agad binibigyan ng direktang pagpasok sa pambansang koponan ng Philippine Olympic Com­mittee (POC) dahil nagpalit ng ilang manlalaro ang koponan matapos lumisan ang orihinal na kasapi nang mawalan ng allowances sa Philippine Sports Commission (PSC).

Nagsasanay sa ngayon ang rowers sa Manila Bay pero iba ang kondisyon ng tubig nito sa pagdarausan sa Asian Games dahil lake ang venue sa Guangzhou at maihahalintulad sa tubig sa La Mesa Dam.

Aminado si Ilagan na bumababa na ang morale ng mga bata dahil sa patuloy na balitang hindi pa kuwa­lipi­kado kaya’t isa na sa kanilang alternatibo ay ang kusang umayaw sa pagsama sa Guangzhou.

AMINADO

ASIAN GAMES

BINUBUO

GUANGZHOU

GUANGZHOU CHI

LA MESA DAM

MANILA BAY

NESTOR ILAGAN

PHILIPPINE OLYMPIC COM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with