Lining 2nd sa China Open 9-ball

MANILA, Philippines - Nakopo ni Yu Long Zhang ng China ang men’s China Open World 9-ball title nitong Linggo matapos niyang talunin ang Pinoy na si Antonio “Nickoy” Lining, 11-7, sa finals sa Minya Hotel sa Shanghai, China.

Ang kanyang tagumpay ay nagdagdag naman ng karalangan sa China matapos ang dominasyon ng Team China kamakailan sa Partypoker.net World Cup of Pool Tournament nitong September 12 sa Robinsons Place, Manila. Ang tambalan nina Li He-wen at Fu Jian-bo ng China ay nakaungos sa tandem nina Dennis “Robocop” Orcollo at Roberto “Pinoy Superman” Gomez para sa Partypoker.net World Cup of Pool title.

Bago makapasok sa finals ng China 9-ball open, tinalo ni Zhang si 2010 Predator Sweet 16 Champion Lee Vann “The Slayer” Corteza ng Philippines, 11-7, habang giniba ni Lining si Liu Hai Tao ng China, 11-7. 

Show comments