Disiplina, depensa susi ng Adamson sa kampeonato
MANILA, Philippines - Sa kanilang kakatapos na tagumpay sa Shakey’s V-League, naging susi ng Adamson University ang kanilang matinding pagnanais na magtagumpay, determinasyon, disiplina at ang mahigpit na depensa.
Naisubi ng Lady Falcons ang kanilang ikalawang kampeonato sa liga matapos nilang mapigilan ang eksplosibong opensa ng San Sebastian College sa pangunguna ng kanilang Thai ace na si Jeng Bualee gamit ang kanilang matinding depensa sa net at sa sahig upang mamayagpag sa winner take-all Game Three ng ikapitong season ng liga noong Huwebes sa The Arena sa San Juan.
Matapos na talunin ang Lady Stags sa opening game sa limang sets, 25-13, 25-17, 30-32, 21-25, 15-13, naging mas impresibo pa ang kanilang title-clinching na tagumpay ng selyuhan nila ito sa iskor na 26-24, 25-17 at 25-16.
Nakakuha rin ang San Marcelino-based spikers ng bagong defensive specialist sa katauhan ng baguhang si Angelica Vasquez, ang Best Digger ng conference na ito na humalili sa five-time Best Digger awardee na si Lizlee Anne Gata.
Ang dalawang guest players rin ng koponan na sina dating MVP at thre-time Best Blocker Michelle Laborte ay naging kritikal sa kanilang championship run dahil sa leadership na kanilang ipinakita upang gabayan ang batang koponan sa tagumpay.
Naging malaking tulong rin ang naibigay ng mga mainstays na sina Angela Benting na nakuha ang Best Receiver award, Pau Soriano na nakuha ang kanyang ikalawang Best Blokcer plum, Gail Martin at Des Patilano.
Sinabi rin ng newly-crowned Adamson squad na pipilitin nilang makuha ang kanilang ikatlong korona sa susunod na taon bagaman may mga kaunting pagbabago sa koponan para paghandaan ang napipintong pagbabalik sa aksyon ng six-time titlists University of Sto. Tomas sa primyadong volleyball league ng bansa.
- Latest
- Trending