Final Four cast kukumpletuhin ng MIT; Junior Altas pupuwesto rin
MANILA, Philippines - Ang panalo ng Cardinals sa talsik nang Blazers ang tuluyan nang kukumpleto sa Final Four sa 86th season ng NCAA men’s basketball tournament.
Nakatakdang labanan ng Mapua Institute of Technology ang College of St. Benilde ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laro sa pagitan ng mga sibak nang Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual Help-System Dalta sa alas-2 sa The Arena sa San Juan.
Nabalam ang pag-angkin ng Mapua sa ikaapat at huling semifinals ticket matapos yumukod sa nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos, 76-85, noong Lunes.
Ang Knights na lamang ng Letran College ni Louie Alas ang kaagaw ng Cardinals para sa huling Final Four berth.
Samantala, tangka ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Junior Altas na makamit ang ika-sampung panalo sa junior side sa alas-10.
Hawak ng Junior Altas ang 9-5 win-loss slate, ay nagnanais mapanatili ang kapit sa ikatlong posisyon sa ilalim ng SBC Red Cubs (13-1), SSC-R Staglets (10-4) sa kanilang makakamit na panalo laban sa Junior Generals sa ika-sampu ng umaga.
Asam ng Junior Altas ni head coach Tonichi Pujante na maipanalo ang mga nalalabing laban upang makaseguro ng No. 3 spot sa Final Four o makahirit ng playoff sa 2nd place para sa twice-to-beat advantage sa semi-finals.
Ibabandera ng Las Piñas City-based squad sina playmaker Axel Iñigo, 6’1 center Joel Brito, Flash Sadiwa, 6’1 power forward Topher Negranza, Mark Bitoy na sa una-unahang pagkakataon ay makakapasok sa Final Four sa loob ng 25 taon sa liga simula ng ito ay sumali noong taong 1985.
Sasandig din ang Dr./Col. Antonio Tamayo owned University kina sixman John Palisoc, Joville Garcia, Christian Pascual, Joseph Bitoon at Vince Alegre para isulong ang inaasam na panalo.
- Latest
- Trending