MANILA, Philippines - Walong dating PBA players at isang dating PBA import ang ipaparada ng Philippine Patriots sa hinahangad nilang ikalawang sunod na korona sa second conference ng Asean Basketball League (ABL) sa Oktubre 3.
Ang mga ito ay sina Alex Crisano, Allan Salangsang, Jun-Jun Cabatu, Orly Daroya, Egay Billones, Kelvin Gregorio, Erwin Sta. Maria at Chito Jaime.
Itatampok ng Patriots nina team owners Mikee Romero at Tonyboy Cojuangco si dating Sta. Lucia reinforcement Anthony Johnson na makakatuwang ni import David Little.
“Last year’s team was a more defense-oriented, while this year’s team is more experienced in terms of offense,” sabi ni head coach Louie Alas.
Sina Crisano, Cabatu at Daroya ay naglaro sa Ginebra, habang sina Salangsang at Sta. Maria ay kumampanya sa Rain or Shine, at sina Gregorio at Jaime ay nakita sa Sta. Lucia at Air21, ayon sa pagkakasunod.
Nasa koponan rin sina JP Alcaraz, Kojak Melegrito, Allain Maliksi at Orly Sta. Cruz.
Sina Alcaraz at Melegrito ay produkto ng Letran College ni Alas, sa NCAA samantalang naglaro naman si Maliksi sa University of Sto. Tomas sa UAAP.
“Kumpiyansa ako na magiging maganda ang performance natin since marami tayong nakuhang players na offensive-minded,” wika ni Alas.