^

PSN Palaro

Orcollo nagparamdam agad

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Binigyan ni Dennis Or­collo ng ningning ang kanyang kampanya na ma­panatili ang titulo sa 10th Annual Predator International 10-ball Championship sa pamamagitan ng 8-1 panalo laban kay Judy Villanueva sa pagbubukas ng torneo kahapon sa SM North Edsa.

Halos perpektong laro ang ipinamalas ng nag-bye sa first round na si Orcollo na noong nakaraang taon ay tinalo si Ralf Souquet ng Germany para makuha ang kampeonato.

Ang nakapareha naman sa World Cup of Pool na si Roberto “Superman” Gomez ay kuminang din sa pamamagitan ng 8-5 panalo laban kay Edgar Acaba.

Hindi nakaporma si Aca­ba nang makalayo agad sa 6-2 si Gomez na nagnanais na kuminang sa torneo upang makabawi matapos mabigo sila ni Dennis Orcollo na mapagharian ang 2010 World Cup of Pool na nagtapos kamakailan.

“Gusto ko talaga sa­nang manalo rito. Pero re­lax lang ako sa laro ko,” wika ni Gomez na nakasali sa torneo matapos malusutan ang qualifying round.

Ang nagbabalik na si Doha Asian Games silver medalist Jeffrey de Luna ay nakalusot din sa unang laban sa pamamagitan ng 8-5 tagumpay kay Warren Kiamco habang ang iba pang nakalusot sa first round match ay sina Emil Martinez, Ruben Cuna, El­vis Calasang, Edgie Ge­ronimo, Jundel Mazon, Vil­la­nueva at Dondon Ra­zalan.

Si Martinez ay hiniya si Rudy Surasanto ng In­do­nesia, 8-5, si Cuna ay na­nalo kay Kento Yonezu ng Japan, 8-7, si Calasang ay nangibabaw sa kababayang si Edgie Geronimo, 8-2, si Mazon ay nanalo kay Jason Klatt ng Canada, si Villanueva ay lumusot kay Vicaly Pavivkhik ng Russia, 8-7, at si Razalan ay nanaig sa kababayang si Victor Arpilleda, 8-5.

Sina Efren “Bata” Re­yes, Francisco “Django” Bustamante, Ronnie Alcano, Lee Van Corteza, Alex Pagulayan ng Pilipinas, Corey Deuel, Shane Van Boening at Charlie Williams ng US, Mika Immonen ng Finland at Mohammed Bin Ali ng Qatar ay nag-bye naman sa first round.

Tanging si Immonen na lamang ang European player na kasali dahil ang iba ay nagbalikan na matapos magpahayag ang European Pocket Billiards Asso­ciation na papatawan nila ng ban ang mga sasali sa nasabing torneo.

May kasabay na Swiss Open ang torneong ito at gusto ng EPBA na sa Swiss maglaro ang kanilang mga pambatong manlalaro.

Dahil sa pangyayari ay nalaglag sa 55 players buhat sa 96 ang magtatagisan sa torneo at sa $12,000 premyo. 

ALEX PAGULAYAN

ANNUAL PREDATOR INTERNATIONAL

CALASANG

CHARLIE WILLIAMS

COREY DEUEL

DENNIS OR

DENNIS ORCOLLO

GOMEZ

SHY

WORLD CUP OF POOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with