^

PSN Palaro

Esplana bagong head coach ng EAC; Stags lalapit sa twice-to-beat vs Knight

- Nap Gutierrez -

MANILA, Philippines - Kung kailan matatapos na ang NCAA at kung kailan out na sila sa labanan sa Final Four, nagpalit pa ng head coach ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals sa katauhan ng dating PBA Rookie of the Year na si Gerald Esplana.

Pinalitan ni Esplana si dating head coach Nomar Isla na pormal namang itinalaga bilang EAC representative sa NCAA Ma­nagement Committee. Si Isla rin ang sports development head ng EAC.

Nung isang taon, tumayo bilang assistant coach ni Isla si Esplana.

Si Esplana ay naging ROY sa PBA noong 1990 habang naglalaro siya sa Presto. Naglaro din siya sa Sta. Lucia na siyang bu­mili ng franchise ng na-dis­band na Presto team, at nung lumaon ay naglaro rin siya sa Shell kung saan nag-retiro na siya sa paglalaro nung 2003. Si Esplana ang itinuturing na isa sa pinakamagaling na pointguards sa PBA. Nag-high school siya sa San Beda at nag-college naman sa San Beda at FEU,

Mapapasabak sa kanyang unang hamon bilang head coach si Esplana sa laro ng EAC Generals ka­laban ang JRU Heavy Bom­bers sa NCAA sa Miyerkules.

“Wala na kaming laban sa Final Four, pero at least habol namin ay ang matapos ang season with a decent and respectable fi­nish. Nagpapasalamat ako sa management ng EAC at kay Coach Nomar (Isla) sa pagbibigay sa akin ng tiwala,” sabi ni Esplana.

Samantala, pupuntir­yahin naman ng nagde­de­pensang kampeong San Sebastian Stags na mapalapit sa twice-to-beat incentive sa Final Four sa kanilang pakikipaglaban ngayong alas-4 ng hapon sa Letran Knights sa pagpapatuloy ng second round ng 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Nauna rito, maghaha­rap naman ang Mapua Cardinals at Perpetual Help Altas sa alas-2 ng hapon.

COACH NOMAR

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

ESPLANA

FINAL FOUR

GERALD ESPLANA

HEAVY BOM

ISLA

SAN BEDA

SHY

SI ESPLANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with