LBC men's volley papalo ngayon

MANILA, Philippines - Sasalubungin ng tam­pok na bakbakan ng Uni­ver­sity of the East at ng San Beda College ang pag­bubukas ng kurtina ng kauna-unahang LBC Men’s Volleyball League ngayong araw sa Ateneo Blue Eagle Gym sa Loyola Heights, Quezon City.

Sa juniors’ division naman, unang magkakasukatan ang Angeles University Foundation at ang Mayamot High School sa ganap na alas-10 ng umaga pagkatapos ng pambungad na seremonyas na pangu­ngunahan ni LBC Hari ng Padala chief managing officer Javier Mantecon at Freddie Infante ng Metro Sports.

Magtatapat naman ang Perpetual Help at AUF sa sa unang senior’s game sa alas-11 ng umaga bago ang bakbakan ng Warriors at Lions sa ala-1:30 ng hapon sa torneong sinusuportahan ng Shakey’s, Toby’s Sports, Dunkin Donuts, Mikasa at Asics.  

Show comments