^

PSN Palaro

Pacquiao iaalay ang laban sa anak ni Arum

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bilang paggalang kay Bob Arum, iaalay ni Manny Pacquiao ang kanyang laban kay Antonio Margarito sa namatay na anak ng nasabing popular na boxing promoter.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ng 49-anyos na anak ni Arum na si John kamakailan sa Storm King Mountains sa Washington state matapos mahulog sa North Cascades National Park sa kanyang pagha-hiking.

Kilala si John bilang isang environmental attorney na nakabase sa Seattle, Washington.

“John was an environmental lawyer who fought for the people in the same way that I fight for the people of the Philippines,” sabi ni Pacquiao. “Bob Arum is my promoter and my friend. I want to do this for the entire Arum family.”

Pag-aagawan nina Pac­quiao, may bitbit na 51-3-2 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 38 KOs, at Margarito (38-6-0, 27 KOs) ang bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight crown sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

“I will do my best against Margarito,” dagdag ng 31-anyos na si Pacquiao sa 32-anyos na si Margarito. “He is bigger and stronger.”

Kasalukuyang sumasakay ang Congressman ng Sarangani sa isang 12-bout winning streak na tinatampukan ng walong KOs. 

Samantala, umaasa naman ang 38-anyos na si Sugar Shane Mosley na mapapabilang siya sa listahan ng posibleng makalaban ng Filipino world seven-division champion.

“Well, there are four or five fights out there that I want. Manny Pacquiao, Antonio Margarito, Miguel Cotto,” ani Mosley, tumalo kay Margarito via ninth-round TKO noong Enero ng 2009 para sa World Boxing Association (WBA) welterweight title. “And of course, Floyd Mayweather, Jr. has a win over me, and I want to avenge that.”  

ANTONIO MARGARITO

BOB ARUM

COWBOYS STADIUM

FLOYD MAYWEATHER

MARGARITO

MIGUEL COTTO

NORTH CASCADES NATIONAL PARK

PACQUIAO

STORM KING MOUNTAINS

SUGAR SHANE MOSLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with