^

PSN Palaro

Reyes, Bustamante babawi vs Thais

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Makapaghiganti.

Ito ang nasa isipan ngayon nina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa pagharap laban kina Nitiwat Kan­janasri at Sorathep Phoochalam ng Thailand sa tampok na laro sa pagbubukas ngayon ng PartyPoker.net World Cup of Pool sa Midtown wing ng Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

“Hindi ko pa rin nalilimutan ang kabiguang sinapit namin sa kanila. Hindi namin sila minamaliit pero gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para makabawi sa kanila,” wika ni Reyes sa pormal na press conference ng torneo kahapon sa Italianni’s sa Robinson’s Place.

Nakalusot sina Nitiwat at Sorathep ki­na Reyes at Bustamante sa quarterfinals ng 9-ball doubles sa 2007 Southeast Asian Games sa Nakhon Ratchasima sa Thailand.

Pakay nina Reyes at Bustamante na top seed sa 32 koponan buhat sa 31 bansang kasali, na mapagharian ang torneong ito sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Sila ang kampeon sa nagdaang edis­yon na unang isinagawa sa bansa at sila rin ang kampeon sa unang edisyon ng torneo na isinagawa noong 2006 sa Newport Centre, Wales.

“Suwertihan din ang labanan dito. Hindi mo na puwedeng sabihin na malakas ka sa makakalaban mo dahil lahat ng kasali ay nag-improve na,” dagdag pa ni Reyes.

Bilang punong-abala, ang Pilipinas ay magkakaroon ng dalawang koponan at sina Dennis Orcollo at Roberto Gomez ang bubuo sa Team B.

Ang laro ay magsisimula ganap na alas-12 ng tanghali at ang mga unang sasabak sa aksyon ay sina John Morra at Jason Klatt ng Canada laban kina Kons­tantin Stepanov at Ruslan Chinakhov ng Russia at Muhammad Zulfikri at Ricky Yang ng Indonesia laban kina Raj Hundal at Dharminder Singh Lilly ng India.

vuukle comment

BUSTAMANTE

DENNIS ORCOLLO

DHARMINDER SINGH LILLY

JASON KLATT

JOHN MORRA

MUHAMMAD ZULFIKRI

NAKHON RATCHASIMA

NEWPORT CENTRE

NITIWAT KAN

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with