Huling semis slot pag-aagawan ng Lady Tams, Eagles

MANILA, Philippines - Sa kanilang ikatlo at huling paghaharap nga­yong season, ang isa ay matitira para sa susunod na bahagi ng torneo at ang isa naman ay uuwi na para magbakasyon.

Magsasagupa ang Ate­neo at Far Eastern University sa isang knock out match para madetermina kung sino sa kanilang dalawa ang may karapatan na umusad sa semifinals ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season ngayong araw sa ganap na alas-4 ng ha­pon sa The Arena sa San Juan.

Sa kasalukuyan, nagsasalo ang Lady Eagles at Lady Tamaraws sa ika-apat at ikalimang puwesto sa ka­nilang magkaparehong 6-6 panalo-talo na baraha.

Nabigo ang Katipunan-based spikers na maselyuhan ang ika-apat at huling tiket sa semis ng naturang liga noong Huwebes matapos maipilit ng mga taga-Morayta ang isang four set win, 25-21, 27-25, 11-25, 25-18 upang manatiling buhay ang tiyansa na umusad sa Final Four. 

Show comments