^

PSN Palaro

Reunion ng mga Warriors

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Malamang mahirapan si James Yap na pasanin ang B-Meg Derby Ace sa 36th season ng Philippine Basketball Association dahil sa hindi niya makakasama ang mga big men na sina Kerby Raymundo at Marc Pingris.

Ang dalawang ito’y sasailalim sa operasyon sa Estados Unidos at hindi bababa sa anim na buwan ang rehabilitation process. Kung sakali, baka sa third confe­rence pa makabalik sina Raymundo at Pingris.

Alam naman ng lahat na sina Yap at Raymundo ang 1-2 punch ng Llamados. Kapag sabay sila sa hardcourt, kahit paano’y nahihirapan ang kalabang koponan na dumepensa. Pero pag mag-isa lang si Yap, itututok ng kabilang koponan ang buong pwersa ng depensa sa kanya.

Ito namang si Pingris ay isang pambihirang workhorse. Monster rebounder at mahusay dumepensa laban sa sentro ng kabilang team. Nakapagbibigay siya ng kakaibang energy sa kanyang mga kakampi.

Mahirap punan ang pusisyong babakantehin ng dalawa.

Pero umaasa ang bagong B-Meg head coach na si Jorge Galent na makakatulong ang mga manlalarong nasikwat niya sa 2010 PBA Rookie Draft na sina Narciso Llagas at Hezy Val Acuña.

Bagamat undersized si Llagas, okay din naman itong makipaglaban para sa mga rebounds. Si Acuna naman ay isang mahusay na shooter.

Ang kapuna-puna dito’y parehong produktong Uni­versity of the East Warriors sina Llagas at Acuña. E, si Yap ay dating manlalaro din ng UE. Gayundin si Niño Canaleta. Sayang nga lang at ipinamigay ng B-Meg Derby Ace ang isa pa’ng dating UE Warrior na si Paul Artadi sa San Miguel Beer kapalit ni Jonas Villanueva, isang dating Most Improved Player awardee. Kumpleto sana ang reunion.

So, parang nagkaroon ng reunion ang mga Warriors sa kampo ng Llamados. Magkaibang batch nga lang. Pero nevertheless, pareho ang kanilang kulay. 

Malamang na si Llagas ang maging karelyebo ni Rico Maierhofer na itinanghal na Rookie of the Year at si Acuna naman ang makakapalitan ni Canaleta.

Anuman ang mangyari, tiyak na mamamayagpag ang mga Warriors sa B-Meg Derby Ace.

Kung titingnan nga’y parang pareho ang landas na tinatahak ng B-Meg Derby Ace at Alaska Milk. Nag-stack up din ng mga dating UE Warriors si Alaska coach Tim Cone nang kunin niya sina Bonbon Custodio buhat sa Meralco at Elmer Espiritu bilang No. 4 pick sa nakaraang Draft. Makakasama nila sa kampo ng Aces ang dating Warrior na si Mark Borboran na mabibigyan na ng mahabang playing time ngayon matapos magretiro si Jeffrey Cariaso.

Marahil, sa pangyayaring napanalunan ni James Yap ang kanyang ikalawang Most Valuable Player award noong nakaraang season, biglang bumango at naging sought-after ang mga Warriors.

Pero kung nagiging matagumpay ang mga Warriors na pumanhik sa PBA ngayon, medyo sinamang-palad naman ang UE sa kasalukuyang 73rd UAAP men’s bas­ketball tournament dahil sa nabigo itong makarating sa Final Four.

You can’t have it all, ‘ika nga!

ALASKA MILK

B-MEG DERBY ACE

BONBON CUSTODIO

CANALETA

EAST WARRIORS

ELMER ESPIRITU

ESTADOS UNIDOS

LLAGAS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->