MANILA, Philippines - Matutunghayan ngayon ang 68 bowlers para sa dalawang Bowling World Cup International slots sa Paeng’s Midtown Center.
Pangungunahan nina national bowlers Apple Posadas, Krizziah Tabora at Liza del Rosario ang 34 pang lady aspirants na naghahangad ng silya sa top eight.
Kabuuang 34 bowlers kalahok naman ang sasabak sa men’s division sa pangunguna nina Jeff Carabeo, six-time world Champion Paeng Nepomuceno at Jeremy Posadas.
Nagpagulong si Posadas ng 2109 para sa kanyang average na 210.90 sa unang araw ng women’s class kasunod sina Tabora (2096) at Del Rosario (2066).
Nanguna naman si Carabeo, dating BWC international campaigner, ng 2737, sa men’s categroy sa itaas nina Nepomuceno (2715) at Posadas (2714).
Sina Nepomuceno, ang tanging four-time World Cup titlist, at Del Rosario ang kumampanya sa nakaraang BWC international finals sa Melaka, Malaysia kung saan tinanghal si Nepomuceno bilang Sportsman of the Tournament.
Sa unang araw ng naturang torneo, nagtala ang regular campaigner na si Sammy Sy ng perpektong 300 patungo sa ika-apat na puwesto
Ang dalawang magkakampeon sa men’s at women’s division ang kakatawan sa bansa para sa naturang international finals na nakatakda sa Oktubre 15-24 sa 44-lane sa Toulon, France.