^

PSN Palaro

Isa pang pagkakataon kay Margarito - Pacquiao

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ang lahat ng nagkamali ay nararapat lamang na big­yan pa ng isang pagkakataon.

Ito ang paniniwala ni Manny Pacquiao matapos big­yan ng tsansa si Mexican Antonio Margarito na makalaban siya para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight crown sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Matatandaang napatawan ang Mexican ng isang one-year ban ng California State Athletic Commission (CSAC) matapos mapatunayang gumamit ng ‘plaster-like substance’ sa kanyang handwraps sa pagkatalo kay Sugar Shane Mosley noong Enero ng 2009.

Sa kabila nito, sinabi ng Filipino world seven-division champion na dapat pa ring bigyan ng bagong pagkakataon si Margarito.

 “He is just making alibis but it’s unfair to him that we don’t give him another chance. He badly wants to fight again and to entertain people,” wika ng 31-anyos na si Pacquiao, nagdadala ng 51-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 knockouts.

Idinagdag pa ni Pacman na hindi niya iniintindi ang naturang pandaraya ni Margarito (38-6-0, 27 KOs) para sa hinahangad niyang pang walong boxing title sa walong magkakaibang weight divisions.

Bagamat ibinasura ng CSAC ang kanyang apela na muling mabigyan ng boxing license, binigyan naman si Margarito ng lisensya ng Texas. 

Isang one-year ban rin ang ipinataw ng CSAC sa trai­ner ni Margarito na si Javier Capetillo, pinalitan ni Ro­berto Garcia na umaagapay kay Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr.

vuukle comment

BAGAMAT

CALIFORNIA STATE ATHLETIC COMMISSION

COWBOYS STADIUM

FILIPINO FLASH

JAVIER CAPETILLO

MARGARITO

MEXICAN ANTONIO MARGARITO

SUGAR SHANE MOSLEY

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with