Knights may tsansa pa na makapasok sa semis
MANILA, Philippines - Kung maganda ang ilalaro ni Jam Cortes sa second round, malaki ang tsansa ng Knights na manalo.
Napatunayan ito ni coach Louie Alas nang humakot ang 6-foot-4 na si Cortes ng 21 rebounds at 19 points para tulungan ang Letran sa 72-58 paggupo sa Arellano University at makasilip ng tsansa sa Final Four sa 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
“I told Jam Cortes before the start of the second round that I would use his performance as a barometer. If he plays with a double-double performance, we’ll have a winning chance and we did,” ani Alas kay Cortes, may 9.5 points at 8.6 boards per game averages sa first round.
Maliban sa pagpapalakas ng kanilang pag-asa sa Final Four, nakaganti rin ang Knights sa Chiefs na tumalo sa kanila sa first round, 78-76, noong Agosto 13.
Nagdagdag si Franz Dysam ng 17 points para sa Intramuros-based cagers kasunod ang 14 ni Jaypee Belencion.
May 4-7 rekord ngayon ang Letran sa ilalim ng San Beda College (10-0), nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos (9-1), Jose Rizal University (8-2), Mapua (6-4) at Arellano (4-6) kasunod ang College of St. Benilde (3-8), Emilio Aguinaldo College (2-9) at University of Perpetual Help-System Dalta (0-9).
Sa unang laro, tinalo naman ng Blazers ang Generals, 83-64.
Tumipa si Luis Sinco, isang reserve guard mula sa Ateneo High, ng career high 21 points para sa St. Benilde.
“It’s nice to beat EAC for the first time. We wanted to get back from our first round loss, which probably started our downfall,” wika ni Blazers’ mentor Richard del Rosario.
Umiskor si Carlo Lastimosa, ang leading scorer ng torneo, ng 19 points para sa Taft-based team kasunod ang 12 ni Ian dela Paz.
- Latest
- Trending