^

PSN Palaro

Top seed ang Lady Stags sa semis

-

MANILA, Philippines - Pinigil ng San Sebastian-Excelroof ang tangkang pagbangon ng Ateneo sa third set upang walisin ang 25-19, 25-17, 27-25 panalo at maagaw ang top spot sa Final Four ng Shakey’s V-League Season 7 se­cond conference sa The Arena sa San Juan kahapon.

Matapos kunin ng Lady Stags ang unang dalawang sets, naghabol ang Lady Eagles sa third set nang ilatag ang isang malaking rally at maitabla ang iskor sa 23-all.

Muling naka-iskor ang Ateneo, subalit iyon na ang huling opensa na nagawa ng Katipunan-based spikers matapos na kumana ang Stags ng apat na puntos mula sa limang puntos upang tapusin ang laban sa loob ng 1:12 minuto.

Nauna rito, kinumplweto naman ng Adamson ang kanilang sweep sa quarterfinal round ng season-ending confe­rence na itinataguyod ng Shakey’s Pizza makaraang itakas ang 25-20, 25-14, 25-20 pananaig laban sa National University.

Sa katunayan, nagtabla ang SSC at Adamson sa 10-2 slate sa pagtatapos ng quarterfinal, ngunit sa Lady Stags ang No. 1 spot sa Final Four sa bisa ng superior quotient sa ilalim ng FIVB rules.

Makakaharap ng Lady Stags ang No. 4 team sa best-of-three semis, ang nasabing puwesto na kasalukuyang pinaglalabanan pa ng Lyceum at Far Eastern U, habang sinusulat ang artikulong ito.

Makakaharap naman ng Lady Falcons na dalawang beses na natalo sa Stags ang Lady Eagles sa isa pang semis match.

vuukle comment

ADAMSON

ATENEO

FAR EASTERN U

FINAL FOUR

LADY EAGLES

LADY FALCONS

LADY STAGS

MAKAKAHARAP

NATIONAL UNIVERSITY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with