Bedans itataya ang malinis na karta vs EAC

MANILA, Philippines - Kung mawawalis rin ng Red Lions ang second round ay masasagpang nila ang outright finals ticket para sa best-of-three championship series.

Ngunit hindi pa ito sumasagi sa isipan ni head coach Frankie Lim.

“A sweep is the last thing in our minds, its too early and foolish for us to say that,” sabi ni Lim, tumatayo ring team mana­ger ng Smart Gilas.

Sumasakay sa isang nine-game winning run, kasama rito ang pagdomina sa first round, haharapin ng San Beda College ang Emilio Aguinaldo College ngayong alas-4 ng hapon sa second round ng 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Makakaharap naman ng nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos ang College of St. Be­nilde sa unang laro sa alas-2.

Show comments