^

PSN Palaro

Venue sa Pacquiao-Margarito fight malalaman ngayong linggo

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos ang nakatakdang pagdinig bukas ukol sa pag-apela ni Antonio Mar­garito na makahingi ng boxing license sa California State Athletic Commission (CSAC) ay maghahayag ng kanyang formal statement si Bob Arum ng Top Rank Promotions.

“We’ll have something to announce about where this fight will be by the end of the week,” sabi ni Arum.

Sakaling muling bigyan ng CSAC ng lisensya si Margarito ay maaari nang itakda ni Arum ang laban ng Mexican kay Filipino world seven-division champion Manny Pacquiao sa Nobyembre 13 sa MGM Grand sa Las Vegas, Neva­da.

Ang Cowboys Stadium sa Arlington, Texas ang isa ring venue na opsyon ni Arum.

At kung hindi naman m­abigyan ng CSAC ng lisensya ang 32-anyos na si Margarito ay inaasa­hang dadalhin ng 78-anyos na si Arum ang laban sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates o sa Monterrey sa Mexico.

Sinabi naman ng Canadian adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz na malapit nang pirmahan ng Congressman ng Sarangani ang fight contract nila ni Margarito sa Top Rank.

Matatandaang binawian ng CSAC ng lisensya si Margarito noong Pebrero ng 2009 matapos mapatu­nayan na naglagay ng ‘plas­ter-like substance’ sa kanyang handwraps sa kanilang world welterweight fight ni Sugar Shane Mosley noong Enero ng 2009.

Pag-aagawan nina Pacquiao, may 51-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, at Margarito (38-6, 27 KOs) ang bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight title na binakante ni Sergio Martinez.

Nagmula si Margarito sa isang 10-round, non-title unanimous decision win kay Roberto Garcia noong Mayo sa Mexico.

ABU DHABI

ANG COWBOYS STADIUM

ANTONIO MAR

BOB ARUM

CALIFORNIA STATE ATHLETIC COMMISSION

LAS VEGAS

MARGARITO

MICHAEL KONCZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with