MANILA, Philippines - Pinadapa ng Ateneo De Manila University ang National University, 25-14, 25-22, 26-24. upang tumabla sa San Sebastian College-Recoletos sa liderato sa Shakey’s V-League Season 7 second conference kahapon sa The Arena sa San Juan.
Tumipa ng 12 points si guest player Alyssa Valdez upang igiya ang Lady Eagles sa panalo, habang may tig-10 points naman sina Angeline Gervacio at Fille Cainglet kasunod ang 9 ni Thai import Surasawadee Boonyune.
Nanguna naman si Mervic Magui para sa Lady Bulldogs mula sa kanyang 20 points kasunod ang 10 ni Din Din Santiago.
Matapos kunin ang unang dalawang sets, bumangon ang Ateneo buhat sa 14-24 na pagkakalugmok sa ikatlong set upang kunin ang kanilang pang limang tagumpay sa anim na laro galing kina Valdez at Surasawadee.
Sa inisyal na laro, napanatili ng University of Pepretual Help-System Dalta ang kanilang tsansa sa quarterfinals makaraang pataubin ang College of St. Benilde, 23-25, 25-21, 25-17, 25-22.