MANILA, Philippines - Dinala ng Air21 si 6-foot-5 forward Doug Kramer sa Rain or Shine para kay guard Marcy Arellano mula sa isang trade.
“It was materialized during the get together of our past and present players,” ani Rain or Shine co-team owner Terry Que sa GMANews.TV. “We really need a big man, so I guess Kramer will be a big help for us. It’s a good trade for both teams.”
Si Arellano, dating kamador ng University of the East sa UAAP, ang siyang magiging backup ni Wynne Arboleda sa backcourt ng Express.
Tatlong first-round picks ang hawak ng Air21 ngunit ibinigay nito ang kanilang second overall choice sa Derby Ace sa isang multi-player trade na nagtampok sa pagdadala kina Raffi Reavis, Paul Artadi at Chris Timberlake sa Llamados.
Para sa darating na 2010 PBA Rookie Draft, inaasahang si 6-foot-7 Rabeh Al Husseini, iginiya ang Ateneo Blue Eagles sa dalawang sunod na korona sa UAAP, ang magiging No. 1 overall pick.