^

PSN Palaro

So tumabla sa Frenchman top-seed, sosyo pa rin sa liderato

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Nagkasya lamang si GM Wes­ley So sa draw matapos ni­yang su­bukin na humugot ng tagumpay laban kay 2009 World Junior titlist GM Maxime Vacheir-Lagrave ng France sa ikalawang round ng 2010 Biel Young Grandmasters Chess Championship sa Center of Biel nitong Martes.

Natapos ang kanilang duwelo sa table matapos ang 64 moves gamit ng King’s Indian defense.

Sa kanilang pagtatabla, nanatili pa rin si So sa kanyang pakikipagsalo sa lideratio ka­sama sina second seed GM Evgeny Tomashevky ng Russia at No. 10 seed GM Maxim Rodshtein ng Israel sa kanilang tig-1.5 points sa category 17-under ng 10-player tourney na bahagi ng 43rd Biel International Chess Festival.

Tinalo ni Tomashevky si ninth seed GM Parimarjan Negi ng India habang tumabla naman si Rodshtein kay third seed GM Fabiano Caruan ng Italy para sa­mahan si So sa maagang liderato.

Nagsasalo naman sa ika-apat hanggang ika-walong puwesto si Vachier-Lagrave at iba pang apat na players na may isang puntos.

Maghaharap sina So at Rodsh­tein sa Miyerkules habang si Tomashevky naman ay kakaharapin ang kapwa Rusong si GM Dmitry Andeikin.

BIEL INTERNATIONAL CHESS FESTIVAL

BIEL YOUNG GRANDMASTERS CHESS CHAMPIONSHIP

CENTER OF BIEL

DMITRY ANDEIKIN

EVGENY TOMASHEVKY

FABIANO CARUAN

MAXIM RODSHTEIN

MAXIME VACHEIR-LAGRAVE

PARIMARJAN NEGI

TOMASHEVKY

WORLD JUNIOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with