Red Lions, Stags lalong tumibay ang kapit sa liderato
MANILA, Philippines - Kung sumandig ang Red Lions kay Borgie Hermida sa fourth quarter, ang malaking produksyon naman sa second period ang sinandalan ng Stags para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Kumolekta ng 29 puntos ang nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos sa second quarter upang ilampaso ang Emilio Aguinaldo College, 106-66, sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena San Juan City .
Sa unang laro, humugot naman si Hermida ng 10 sa kanyang 14 marka sa final canto para tulungan ang San Beda College sa 69-64 panalo laban sa Mapua Institute of Technology.
Muling pinagsaluhan ng Stags at Red Lions ang liderato mula sa magkatulad nilang 3-0 kartada kasunod ang St. Benilde Blazers (1-0), Cardinals (1-1), Jose Rizal Heavy Bombers (1-1), Arellano Chiefs (1-1), Letran Knights (0-2) at Generals (0-3).
Humakot si 6-foot-2 power forward Calvin Abueva ng 21 points, 11 rebounds at 1 assist para pangunahan ang San Sebastian kasunod ang 14 marka ni Ronald Pascual, 12 ni Ian Sangalang at at 10 ni Gilbert Bulawan.
“Finally we executed our game plan well,” sabi ni head coach Ato Agustin sa kanyang Stags na dinikitan ng Generals sa first quarter, 18-19, bago kumayod sa second period para kunin ang 48-37 lamang patungo sa pagtatayo ng isang 25-point lead sa third canto.
Kumolekta ang San Sebastian ng 28 puntos sa kabuuan ng fourth quarter.
Maliban kay Hermida, nagamit naman ng Red Lions ni Frankie Lim ang depensa ni 67 American import Sudan Daniel sa kanilang panalo sa Cardinals.
Umiskor si Garvo Lanete ng 14 marka para sa Red Lions, habang may 13 si Adler Dela Rosa at 12 si Dave Marcelo.
San Beda 69- Lanete 14, Hermida 14, dela Rosa 13, Marcelo 12, Dabniel 4, Mendoza 4, J. Pascual 2, Caram 2, K. Pascual 2, A. Semerad 2, D. Semerad 0, Villahermosa 0.
Mapua 64- Cornejo 20, Pascual 13, Stevens 9, Acosta 8, Guillermo 6, Sarangay 6, Mangahas 2, Ranises 0, Banal 0, Parala 0.
Quarterscores: 18-26; 32-36; 47-48; 69-64.
San Sebastian 106- Abueva 21, Pascual 14, Sangalang 12, Bulawan 10, Bulawan 9, Maconocido 8, E. Gatchalian 8, del Rio 8, dela Cruz 7, Semira 7, J. Gatchalian 2.
EAC 66- Mendoza 15, L. Yaya 13, Cubo 13, Chiong 10, Lapitan 4, R. Yaya 4, Monteclaro 3, Vargas 2, Tuazon 2, Villegas 0, Jamon 0, Diolanto 0.
Quarterscores: 19-18; 48-37; 78-53; 106-66.
- Latest
- Trending