Tigers wagi sa 1st round ng wildcard

MANILA, Philippines - Makakahinga na ng maluwag si Bo Perasol, sa ngayon.

Nakahugot ng game-high 32 points kay Gary David, tinalo ng Coca-Cola ang Sta. Lucia, 100-84, sa playoff sa wildcard phase ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa pagitan ng Rain or Shine at Air21 ang siyang makakatapat ng Coke sa ikalawa at hu­ling knockout game na dedetermina kung sino ang makakaharap ng naghihintay na Derby Ace sa best-of-five quarterfinals series.

“I have to give it to Ga­ry, minsan erratic si­ya but you cannot question his will to lift up his team,” sabi ni Pe­rasol sa dating standout ng Lyceum of the Philippines.

Matapos kunin ang first half, 45-40, pinalobo ng Tigers ang kanilang lamang sa 18 puntos, 58-40, sa likod nina Da­vid, import Anthony Wil­liamson at Mark Ma­capagal patungo sa 71-57 pagbaon sa Realtors sa pagsasara ng third pe­riod.

“We are trying to prefer ourselves for this,” sabi ni Perasol kay Williamson. “I think he’s gotten himself involved in our system like defending, rebounding, assisting. He’s not flashy pe­ro kung kailangan nan­dun s’ya.”

Show comments