^

PSN Palaro

Julaton nanalo kay Villalobos, kampeon uli sa WBO

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nanumbalik ang pagiging world champion ni Fil-American Ana Julaton nang kunin ang split decision panalo laban kay Maria Elena Villalobos ng Mexico para mapasakamay ang WBO female su­per bantamweight title na pinaglabanan nitong Huwebes sa Casino Rama sa Ontario Canada.

Binigyan man ng matinding hamon ni Villalobos na kinakitaan ng pagkonekta nito ng mga malalakas na suntok dahilan upang mag­kapasa ang kaliwang mata ni Julaton ay angat na­man ang husay ng 29-an­yos na boksingera para makuha ang dalawa sa tat­long hurado na nagbigay ng puntos sa laban.

Sina Harry Davis at Kel­ly Zolnierczyk ay umiskor ng parehong 96-94 pabor kay Julaton para pawiin ang 97-94 na iskor para kay Villalobos mula kay Bob Bell.

Ito ang ikapitong panalo sa 10 laban ni Julaton na na­kabangon na rin buhat sa unanimous decision na ka­biguan sa kamay ni Lisa Brown para sa WBA title na pinaglabanan nitong Marso 27 sa nasabi ring venue.

“Thank you to everyone,” wika ni Julaton matapos tauhin ang kanilang laban.

Pinuri din niya ang ipi­nakita ni Villalobos pero kinaya niya ang hamon da­la na rin ng magandang pagsasanay na ginawa ni Freddie Roach. Si Roach ay ibinalik ni Julaton matapos lasapin ang huling ka­biguan sa pagsasanay ni Nonito Donaire Sr.

 “Ana looked good but we’re about half way there,” wika ni Roach. “We’ll keep at it and Ana will get even better.”

Ikaapat na kabiguan sa 10 laban ang tinamo ni Vilallobos na nagnanais na magkaroon ng rematch kay Julaton.

Sa pagkapanalo ni Julaton, nabawi niya ang ti­tu­long hawak nang talunin si Donna Biggers noong Disyembre 4, 2009. Kinaila­ngan niyang bitiwan ang titulo matapos tanggapin ang laban kay Brown.

BOB BELL

CASINO RAMA

DONNA BIGGERS

FIL-AMERICAN ANA JULATON

FREDDIE ROACH

JULATON

LISA BROWN

MARIA ELENA VILLALOBOS

SHY

VILLALOBOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with