^

PSN Palaro

Guinita suspindido ng 1 laro

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Si Aldrin Guinita ng Emilio Aguinaldo College ang unang collegiate player na napatawan ng isang one-game suspension sa 86th NCAA men’s basketball tournamrent.

Inihayag kahapon ni NCAA Management Committee (ManCom) chairman Frank Gusi ng host San Sebastian College-Recoletos na ang naturang suspensyon ay mula sa ginawang panununtok ni Guinita sa isang manlalaro ng Arellano University sa kanilang laro noong Linggo sa The Arena sa San Juan.

Nakaligtas naman ang ilang cagers na nasangkot sa isang ‘bench clearing’ sa pagitan ng Mapua at University of Perpetual Help-Dalta System.

 Ang mga ito ay sina Ray Cabre­ra, Jason Pascual, Michael Par at Narr Garay ng Cardinals at sina Arnold Danganan, Chrisper Elopre at Mark Sumera ng Altas.

Pinatalsik ni NCAA Commissioner Aric Del Rosario ang naturang mga manlalaro sa 79-65 panalo ng Mapua sa Per­petual

Isang flagrant foul ang ipinalasap kay Danganan matapos ‘tirahin’ si Andretti Stevens ng Cardinals, samantalang bi­nigyan naman ng technical foul sina Elopre, Sumera, Pascual at Parala dahil sa kanilang pagtutulakan.

 “We’ve instituted this new ruling because we want to prevent fights from breaking out. We will not tolerate this kind of behavior in this league,” sabi ni Del Rosario.  

ALDRIN GUINITA

ANDRETTI STEVENS

ARELLANO UNIVERSITY

ARNOLD DANGANAN

CHRISPER ELOPRE

COMMISSIONER ARIC DEL ROSARIO

DEL ROSARIO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FRANK GUSI

JASON PASCUAL

MANAGEMENT COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with