^

PSN Palaro

Treston dinala ni Ricafuente sa finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagbaga ang mga kamay ni Ricky Ricafuente upang tulungan ang host Treston Laguna sa 82-74 panalo sa Cobra Energy Drink at makapasok sa fi­nals sa 3rd leg ng Tournament of the Philippines na ginaganap sa Trace College Gym sa Los Baños, Laguna nitong Huwebes.

Isinantabi ng Stallions ang mahinang panimula na kung saan napag-iwa­nan sila ng Ironmen sa first quarter, 16-25, sa pama­magitan ng malakas na pag­lalaro sa second half para tapusin ang yugto sa 2-1 karta.        

Si Ricafuente ang nagsilbing mitsa sa pagkalas ng host team nang ibuhos ang 18 sa nangungunang 21 puntos matapos ang hu­ling pagdikit ng Ironmen sa dalawang puntos, 51-49.

Ang Laguna ang luma­bas na unang home team na nakapasok sa finals at ito ang motibasyong ga­gamitin ni coach Nomar Isla para mapag-init pa ang emosyon ng koponan sa pagharap sa Ascof Lagundi sa finals na idinaos kagabi.

“Wala pang host team na nakapasok sa finals matapos ang tatlong legs kaya ang maging unang ho­me team na maging champion ang motibasyon namin,” wika ni Isla.

Kinumpleto ng Cough Busters ang 3-0 sweep sa bisa ng 77-75 panalo sa Mandaue Cebu sa isang laro.

Inakala ng panatiko ng Land Masters na mapapatikim nila ng unang kabiguan ang Ascof Lagundi nang lumayo sa 73-70 sa hu­ling dalawang minuto ng sa­gupaan.

Pero nagtambal sina Edwin Asoro at Jonathan Uyloan sa 6-0 bomba bago pinagmasdan ang pagsablay sa mahahalagang buslo ng Mandaue upang maitakas ang panalo.

Ang Mandaue na may 1-2 karta ay makikipaglaban sa walang panalong Cobra (0-3) para sa ikatlong puwesto.

Ascof Lagundi 77--Gamalinda 19, Asoro 9, Leynes 9, Taylor 9, Lanete 8, Co 6, Aguilar 6, Mangahas 4, Smith 4, Uyloan 2, Manuel 1.

Mandaue Cebu 75-- Dennison 14, Latonio 11, Gabas 11, Diputado 8, Gerilla 7, Magdadaro 6, Ursal 5, Caputulan 4, Laygo 3, Berame 2, Gavina 2, Villaver 2, Zanoria 0.

Quarterscores: 24-22; 40-38; 63-54; 77-75.

Treston Laguna 82--Ricafuente 21, Bolocon 14, Losentes 9, Musngi 7, Angeles 6, Sanz 5, Mangahas 5, Mercado 4, Legaspi 4, Aquino 4, Gloriosa 2, Grijaldo 1

Cobra Energy Drink 74--Canizares 22, Llagas 14, Barua 11, Tecson 9, Espiritu 6, Bagatsing 6, Linganay 2, Nabong 2, Afable 2, Acuna 0.

Quarterscores: 16-25; 49-43; 61-56; 82-74.

vuukle comment

ANG LAGUNA

ANG MANDAUE

ASCOF LAGUNDI

COUGH BUSTERS

EDWIN ASORO

JONATHAN UYLOAN

MANDAUE CEBU

SHY

TRESTON LAGUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with