WIMBLEDON, England - Umabante si five-time champion Venus Williams sa third round sa Wimbledon matapos igupo si Ekaterina Makarova, 6-0, 6-4.
Naglaro sa Centre Court, nagtala si Williams ng 10 unforced errors at nawalan lamang ng 11 points sa kanyang serbisyo.
Napaganda rin Williams, tinalo ni top-seeded Serena Williams sa nakaraang 2009 Wimbledon finals, ang kanyang career grass-court record sa 70-10.
Samantala, umabante rin sa third round si Kim Clijsters makaraang talunin si Karolina Sprem, 6-3, 6-2.
Sa kanyang unang paglalaro sa Court 1, nagposte si Clijsters ng 13 unforced errors at binura ang tatlong break points ni Sprem.
Ito ang unang paglahok ng No. 8-seeded na si Clijsters sa Wimbledon matapos magretiro noong 2009 at sapul noong 2006.
Palagiang umaabot si Clijsters sa third round sa nakaraang 16 Grand Slam tournaments.
Nakabawi naman mula sa kanyang masamang serbisyo si Justine Henin nang kanyang igupo si Kristina Barrois, 6-3, 7-5.
Samantala, muling naligtasan ni top-seeded Roger Federer ang ma-tensyong labanan nila ng Serbian qualifier na si Ilija Bozoljac nang kanya itong payukurin sa iskor na 6-3, 6-7 (4), 6-4, 7-6 (5).
Tinalo naman ng No. 3-seeded na si Novak Djokovic ang American na si Taylor Dent, 7-6 (5), 6-1, 6-4.
Nabigo ang No. 7 Nikolay Davydenko kay Daniel Brands, 7-6 (5), 7-6 (8), 6-1.