^

PSN Palaro

Williams umabante sa 3rd round

-

WIMBLEDON, England - Umabante si five-time champion Venus Williams sa third round sa Wimbledon matapos igupo si Ekaterina Makarova, 6-0, 6-4.

Naglaro sa Centre Court, nagtala si Williams ng 10 unfor­ced errors at nawalan lamang ng 11 points sa kanyang serbisyo.

Napaganda rin Williams, tinalo ni top-seeded Serena Williams sa naka­raang 2009 Wimbledon finals, ang kanyang career grass-court record sa 70-10.

Samantala, umabante rin sa third round si Kim Clijsters makaraang talunin si Ka­rolina Sprem, 6-3, 6-2.

Sa kanyang unang pag­lalaro sa Court 1, nagposte si Clijsters ng 13 unforced errors at binura ang tat­long break points ni Sprem.

Ito ang unang paglahok ng No. 8-seeded na si Clijsters sa Wimbledon matapos magretiro noong 2009 at sapul noong 2006.

Palagiang umaabot si Clijsters sa third round sa nakaraang 16 Grand Slam tournaments.

Nakabawi naman mula sa kanyang masamang serbisyo si Justine Henin nang kanyang igupo si Kristina Barrois, 6-3, 7-5.

Samantala, muling naligtasan ni top-seeded Roger Federer ang ma-tensyong labanan nila ng Serbian qualifier na si Ilija Bozoljac nang kanya itong payukurin sa iskor na 6-3, 6-7 (4), 6-4, 7-6 (5).

Tinalo naman ng No. 3-seeded na si Novak Djokovic ang American na si Taylor Dent, 7-6 (5), 6-1, 6-4.

Nabigo ang No. 7 Nikolay Davydenko kay Daniel Brands, 7-6 (5), 7-6 (8), 6-1.

CENTRE COURT

CLIJSTERS

EKATERINA MAKAROVA

GRAND SLAM

ILIJA BOZOLJAC

JUSTINE HENIN

KIM CLIJSTERS

KRISTINA BARROIS

NIKOLAY DAVYDENKO

NOVAK DJOKOVIC

WIMBLEDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with