^

PSN Palaro

Batangas lumusot sa Alabang

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagpasabog ng tig-tatlong runs ang Batangas sa sixth at eight inning upang tuluyang maibaon ang Alabang tungo sa 12-9 panalo sa pagpapatuloy ng Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VI sa Felino Marcelino Baseball Field sa Taguig City .

Binulaga ni Justin Zialcita ang Tigers sa pamamagitan ng isang three run homerun sa unang inning para mahawakan agad ng Bulls ang momentum pero bumangon ang Tigers at nakalayo pa ng 8-6 nang makapagpasok ng limang runs sa ikalimang innings.

Si Virgilio Roxas ang siyang nagpasiklab sa lumam­yang opensa ng nagdedepensang kampeon nang magpa­kawala ng two-run single para tulungan ang tatlong runs na iniskor ng Bulls sa 6th at 8th inning at mailista ang ikatlong panalo sa apat na laro.

“Nagrelax dahil maganda ang start namin at nakalayo agad sa Alabang. Hindi dapat ito mangyari sa laro namin ngayon sa Cebu dahil hindi kami mananalo kung ganito ang ipakikita namin,” wika ni Bulls team manager Randy Dizer.

Ang Batangas at Cebu ay maglalaban sa ikalawang laro ngayong hapon at ang mananalo ang kukuha sa ikalawang twice to beat advantage habang ang matatalo ay malalagay sa ikatlong puwesto.

vuukle comment

ALABANG

ANG BATANGAS

BASEBALL PHILIPPINES SERIES

BATANGAS

CEBU

FELINO MARCELINO BASEBALL FIELD

JUSTIN ZIALCITA

RANDY DIZER

SI VIRGILIO ROXAS

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with