Pampanga, Alabang wagi

MANILA, Philippines - Gumawa ng kasaysayan sa Dunkin’ Donut Baseball Philippine Series VI si Rizel Santos nang igiya ang Pampanga sa 7-5 panalo kontra Manila kahapon sa Alabang Country Club sa Muntinlupa City.

Si Santos ang unang player sa serye na huma­taw ng dalawang homerun na nakatulong sa pitong runs na kinamada ng Sand Kings.

Bago ito ay nakalayo sa 4-0 ang Sharks pero hindi natapatan ni Saxon Omandac ang mainit na pitching ng bagitong si MJ Gante sa unang tatlong innings para lasapin ng Sharks ang unang kabiguan matapos kalusin ang Batangas at Cebu.

Nanalo naman ang Alabang sa Taguig, 3-2, sa isa pang laro.

Show comments