^

PSN Palaro

Pagsasanib puwersa ng PBL-Liga Pilipinas masisilayan ngayon sa paglarga ng TOP tourney

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bibigyan buhay mula nga­yon ang pagtatambal ng Philippine Basketball League at Liga Pilipinas sa paglarga ng Tournament of the Philippines sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang leg 1 ay katatampukan ng apat sa siyam na koponang kalahok sa TOP na isang transi­tion project na ang ultimong ad­­hikain ay pagsamahin na ng tuluyan ang PBL at Liga Pi­li­pinas.

“Dahil magkaiba ang konsepto ng dalawang liga kaya’t ka­ilangang daanin sa phase ang hakbang na susuungin bago tuluyang maganap ang merger. Ang TOP ang magbibigay pagkakataon sa dalawang liga upang makita kung paano pang mapapalakas ang pagsasanib ng PBL at Liga,” wika ni PBL chairman Ding Camua nang pangunahan ang pormal na paglulunsad ng torneo sa PSA Forum kahapon.

Nakasama ni Camua si PBL Executive Director Butch Maniego habang si Liga Pilipinas president Noli Eala at Perry Martinez ang kumakatawan sa kabilang liga.

“Halos lahat ng ibang detalye ay napag-uusapan na at naniniwala akong magkakaisa ang dalawang liga dahil ang layunin ng PBL at Liga ay para mapabuti ang Philippine basketball,” wika naman ni Eala.

Sa pangunguna ni PBA chair­man Lito Alvarez ay nakum­binsi niya ang PBL at Liga na umupo at mapag-usapan ang pagsasanib puwersa upang ma­tiyak na patuloy na tatakbo ang kanilang mga palaro.

“Wala akong nakikitang balikid at ikagaganda ito ng basket­ball sa bansa dahil mapagsa­sama ang lakas ng PBL na hu­makot ng mga mahuhusay na batang manlalaro at ang la­kas ng Liga sa local crowd,” ani pa ni Eala.

Ang Ani Cultivators ang siyang unang host ng TOP at ma­kakalaban nila ang kampeon ng Liga na Cebu Ninos sa tampok na laro ganap na alas-4 ng hapon.

Unang labanan ay sa pagitan ng Ascof Lagundi at Laguna ganap sa ala-1:30 ng hapon at matapos nito ay ang simpleng pagbubukas na kung saan inimbitahan bilang panauhing pandangal si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manuel V. Pangilinan.

Ang iba pang kasali ay ang Cobra Energy Drink na mula PBL habang ang Mandaue, Ge­neral Santos City, Taguig at Misamis Oriental ang kukum­pleto sa Liga teams.

Lahat ng teams ay magda­raos ng isang leg na magsisimula ng Miyerkules hanggang Sabado at ang mga posisyon ng pagtatapos ay may kaakibat na puntos para madetermina ang walong koponan na aabante sa playoffs.

ANG ANI CULTIVATORS

ASCOF LAGUNDI

CEBU NINOS

DING CAMUA

EALA

EXECUTIVE DIRECTOR BUTCH MANIEGO

LIGA

LIGA PILIPINAS

PBL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with