NEW YORK – Muling kumutitap ang bituin ni Miguel Cotto, lalo na sa mga ilaw ng Yankee Stadium.
Umiskor ang Puerto Rican fighter ng isang ninth-round stoppage kay Yuri Foreman upang agawin sa huli ang suot nitong world light middleweight title.
Si Cotto, inagawan ni Manny Pacquiao ng World Boxing Organizaiton (WBO) welterweight crown via 12th-round TKO noong Marso ng 2009, ang bagong World Boxing Association (WBA) light middleweight champion.
Nadulas si Foreman sa seventh round na nagresulta sa pagkakapilipit ng kanyang kanang tuhod.
Ibinato ng corner ni Foreman ang ‘white towel’ na simbolo ng isang pagsuko sa eigth round ngunit nagpilit si Foreman na ipagpapatuloy ang laban.
"I looked at the screen and I saw his trainer throwing the towel in the ring," wika ni Cotto sa ginawa ng corner ni Foreman. "The referee said someone from outside the corner threw the towel into the ring."
Sa ninth round, kumonekta si Cotto ng isang right cross na nagpabagsak kay Foreman kasunod ang pagpigil ni Mercante sa laban sa huling 42 segundo nito.
"I was making side to side movement and it gave out," ani Foreman sa kanyang right knee injury. "It was a lot of pain, a lot of sharp pain. Couldn't do a lot of moves."
May 35-2-0 win-loss-draw ring record ngayon si Cotto kasama ang 28 KOs, habang natikman naman ni Foreman ang kanyang unang kabiguan matapos ang 28-0 baraha.