^

PSN Palaro

Cebu, Manila magkakasukatan

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Magkakasukatan agad ng la­kas ang naunang namayagpag na Cebu at Manila sa pagpapatuloy ng Dunkin’ Donut Baseball Philippines Series VI ngayon sa Rizal Memorial Baseball Field.

Ang pagtatapat ng dalawa sa tatlong nanalong koponan sa kanilang unang asignatura ay itinakda ganap na ala-1:30 ng hapon matapos magtagisan muna sa umagang laro mula alas-9 ang nagdedepensang Batangas at Taguig.

Pagbangon matapos lasa­pin ang 5-4 kabiguan sa kamay ng Sharks ang nais ng Bulls sa Taguig na magsisikap ding bumalikwas mula sa 2-7 kabiguan sa Dolphins.

Angat ang Bulls dahil sa la­lim ng manlalaro nito tampok nga ang mga pitchers na sina Romeo Jasmin, Randy De Leon at Vladimir Eguia habang ang Taguig ay tiyak na mangangapa sa gagamiting pitcher matapos sagarin si Darwin dela Calsada sa huling laro.

 Mahigpitan naman ang inaasahang makikita sa ikalawang laro na kung saan masisilayan na rin ang pagbabalik ni Jon Jon Robles sa ligang inorganisa ng Community Sports Inc.

 Si Robles na naihatid ang Makati Mariners sa titulo sa Pilot Series ay isusuot ang uniporme ng Manila na lumalim ang pitching rotation.  

vuukle comment

COMMUNITY SPORTS INC

DONUT BASEBALL PHILIPPINES SERIES

JON JON ROBLES

MAKATI MARINERS

PILOT SERIES

RANDY DE LEON

RIZAL MEMORIAL BASEBALL FIELD

ROMEO JASMIN

SI ROBLES

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with