^

PSN Palaro

Melligen hinog na sa malalaking laban

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Kung si Mark Jason Melligen ang tatanungin, naniniwala siyang hinog na siya para sa malalaking laban.

“Lalaban ako kahit na sino ang ilagay nila. Ang Top Rank lang naman ang magsasabi kung sino ang dapat kong ma­kalaban pero kahit sino mas ma­ganda kung rated ang makalaban ko,” wika ni Melligen.

Isang mahusay na amateur boxer na makailang beses na bi­nigyan ng kampeonato ang Pilipinas sa sinalihang kompe­tisyon sa ilalim ng Amateur Bo­xing Association of the Philippines, gumagawa rin ng marka si Melligen sa pros sa pagkaka­roon nito ng 18 panalo sa 20 la­ban kasama ang 13 KO.

Bago mapalaban sa rated bo­xers, magkakaroon muna ang 24-anyos tubong Bacolod City ng pagkakataong maipag­higanti ang kabiguang tinamo kay Michel Rosales ng Mexico sa Hulyo 3 sa Reno Nevada, USA.

Naglaban ang dalawa no­ong Nobyembre 13, 2009 at nanalo sa pamamagitan ng split decision ang 27-anyos na si Rosales.

Sinasabing hindi nagawa ni Melligen ang dapat na gawin sa ring matapos maapektuhan nang nakita ang pagkulapso at pagtakbo sa ospital ng kababayang si Z Gorres sa laban nito kontra kay Luis Melendez.

Tiniyak naman ni Tony Mar­tin na ibang Melligen ang ma­kikita sa ring at naniniwala siyang kumbinsidong panalo ang makukuhang panalo ng Filipino boxer.

 “This is not the same Melligen that gets in the ring on the 3rd of July. Trust me. Hopefully this time we will tear him apart,” wika ni Martin sa panayam ng Boxingscene.

 Gaya ni Melligen ay kumbinsido rin si Martin na hinog na sa malaking laban ang alaga at uma­asa rin na matapos si Rosales sa isang world rated rival na ang makaharap ni Melligen.

Matapos matalo kay Rosales ay kumuha ng dalawang dikit na panalo si Melligen kina Raymond Gatica (6th round TKO) at Norberto Gonzales (unanimous decision 10 rounds) upang patunayan na nakabangon na siya sa nasabing kabiguan.

vuukle comment

AMATEUR BO

ANG TOP RANK

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BACOLOD CITY

LUIS MELENDEZ

MARK JASON MELLIGEN

MELLIGEN

MICHEL ROSALES

NORBERTO GONZALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with