^

PSN Palaro

Mindanao cagers pasok sa 'MVP ng Bayan' finals

-

MANILA, Philippines - Dalawang pambato ng Mindanao ang umabante sa finals para sa kauna-unahang “Talk ‘N Text MVP ng Bayan”.

Hangad nina Kim Wesley Asulao ng Davao City at Reuben Jay Baguio ng Sarangani na magkaroon ng pagkakataong maging susunod na basketball superstar mula sa hanay ng mga nag-a­ambisyon sa buong bansa.

“We are excited to open this door of opportunities to all talented basketball players among the youth, especially the underprivileged. With the immense popularity of basketball in the country, we are confident that we can discover someone with real talent just waiting to be tapped,” ani Perry Bayani, marketing head ng Talk ‘N Text. 

Ang paghahanap para sa “MVP ng Bayan” ay dumayo pa sa mga barangay-level basketball leagues na sinusuportahan ng Talk ‘N Text.

Ang lahat ng male Talk ‘N Text subscribers na may edad na 13 hanggang 21-anyos ay maaaring lumahok sa nasabing proyekto katuwang ang Philippine Basketball Association (PBA).

Ang susunod na regional try-out ay nakatakda sa Mayo 29 sa Malolos, Bulacan; Hunyo 5 sa Ortegas Gym sa San Fernando City, La Union; Hunyo 5 sa University of Batangas Gym at sa Hunyo 12 sa Makati Coliseum.

BAYAN

DAVAO CITY

HUNYO

KIM WESLEY ASULAO

LA UNION

MAKATI COLISEUM

N TEXT

ORTEGAS GYM

PERRY BAYANI

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with