PARIS - Nakarating si Maria Sharapova sa second round ng French Open nang magaang na talunin ang Russian qualifier nitong Martes.
Hangad na mapanalunan ang natatanging Grand Slam title na wala sa kanyang pagbabalik, pinatalsik ng 12th-seeded na si Sharapova ang 110th-ranked na si Ksenia Pervak, 6-3, 6-2 nitong Martes.
Nagwagi si Sharapova ng 24 sunod na first-round matches sa Grand Slam hanggang sa ma-upset sa Australian Open nitong January. At ngayon nagsisimula uli siya ng panibangong streak.
Ang pinakamagandang pagtatapos na nagawa ni Sharapova sa Rolland Garros ay noong 2007 semifinals. At sa panahong iyon lumiban siya sa season sanhi ng injury niya sa kanang siko, gayunpaman, nagawa niyang manalo sa clay-court warmup sa Strasbourg nitong nakaraang weekend.
Ito naman ang debut ng 18-anyos na si Pervak sa main draw sa isang major tournament.
Nauna rito, kinuha naman ni Justine Henin ang isang malaking hakbang sa kanyang pagbabalik mula sa pagreretiro matapos na igupo si Tsvetana Pironkova, 6-4, 6-3 sa kanyang first-round match.
Ito ang unang laban ni Henin sa center court sa Roland Garros mula noong 2007, nang siya ay manalo sa tournament sa ikaapat na pagkakataon.
Samantala, sinimulan naman ni four-time champion Rafael Nadal ang kanyang kampanya na maibalik ang French Open title matapos na igupo si Gianni Mina ng France, 6-2, 6-2, 6-2 sa kabila ng paminsan-minsang pangangapa sa kanyang serbisyo.
Nagtala si Nadal, na-upset ni Robin Soderling sa fourth round noong nakaraang taon, ng 28 unforced errors at nagsalba lamang ito ng siyam na break points laban sa 655th-ranked na si Mina.
Ginapi naman ni No. 7 Fernando Verdasco si Igor Kunitsyn, 6-4, 6-2, 6-2 at tinalo ni Andy Roddick si Jarkko Nieminen, 6-2, 4-6, 4-6, 7-6 (4), 6-3.