Reyes pinahanga nina Alapag, Williams, napiling PBA co-PoW
MANILA, Philippines - Walang malaking puntos na naitatala sina Jimmy Alapag at Kelly Williams para sa Talk ‘N Text.
Ngunit marami namang aspeto ng laro ang naibibigay nina Alapag at Williams na siyang nakikita ni head coach Chot Reyes.
“They didn’t have spectacular numbers, so it’s the other facets of their game--assists, rebounds-- that are being recognized, and that’s good because while we lead the league in scoring (103.2 ppg) personal (numbers) should never be our players’ focus and these two are prime examples of that,” ani Reyes sa dalawa niyang Fil-American players.
Sina Alapag at Williams ang napiling Accel-PBA Press Corps’ Co-Players of the Week para sa linggo ng Mayo 17 hanggang 23.
Nahugot mula sa Sta. Lucia Realtors kasama sina Ryan Reyes at Charles Waters via three-team, nine-player trade noong Mayo 12, si Williams ang nakatuwang ni Alapag sa mainit na arangkada ng Tropang Texters sa second round ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference.
Sina Alapag at Williams ang bumandera sa mga panalo ng Talk ‘N Text sa B-Meg Derby Ace noong Miyerkules at sa Sta. Lucia noong Linggo.
Nagtala ang 6-foot-6 na si Williams ng mga averages na 16.5 points, 8.0 rebounds, 3.0 assists at 1.5 steals, habang nagposte naman si Alapag ng 13.5 points, 3.0 rebounds at 10.0 assists.
Sa 114-89 tagumpay ng Tropang Texters sa Llamados, naglista si Alapag ng 15 marka at 10 assists upang maging pang 23rd player sa kasaysayan ng PBA na nakapagtala ng 2,000 assist.
“Mahirap tumbasan ‘yung 10 assists in back-to-back games, samantalang undeniable na spark naman si Kelly off the bench,” wika ni Reyes sa 5’8 na si Alapag.
- Latest
- Trending