Stockinger 3rd place sa Michelin Formula Renault UK C'ships race

MANILA, Philippines - Tumapos sa ikatlong puwesto si Swiss-Filipino champion racer Marlon Stockinger sa first round sa idinadaos na Michelin Formula Renault UK Championship kamakailan sa Rockingham, England.

Kasapi ng Atech Grand Prix racing team, ang 19-an­yos na anak ni Tom Stoc­kinger, kilalang mahilig sa Swiss racing at negos­yante, ay pumangatlo sa ka­kampi at nagkampeon na si Tamas Pal Kiss at si Harry Tincknell.

Nagkaroon pa rin ng pag­kakataon si Stockinger na maduplika ang ikatlong puwestong pagtatapos sa second round ng karera ngu­nit minalas ito na nagkaroon ng throttle problem upang huminto na lamang sa fourth lap ng karera.

Ito ang ikalawang podium finish ni Stockinger sa kanyang career matapos pu­mangalawa sa 2009 Mi­chelin Formula Renault UK Winter Cup sa Rocking­ham.

Masaya naman ang team principal na si David Hayle sa naitala nina Tamas at Marlon sa karera.

“Tamas once again dro­ve exceptionally well and his second win of the season was very well de­ser­ved. Marlon was outstanding over the weekend and this bodes well for the remaining races,” wika ni Hayle.

 Ang ipinakita ay nagpatatag sa hangarin ni Stoc­kinger na makilala nang husto sa mundo ng For­mula Racing.

Show comments