^

PSN Palaro

Reyes sumargo kay Gomez sa US Open 10-Ball

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Hindi siya tatawaging “Pinoy Superman” kung hindi niya nagagawa ang mga imposibleng bagay.

Tinalo ni Roberto Go­mez si Hall of Famer Ef­ren “Bata” Reyes, 9-6, sa ginaganap na 2010 US Open 10-ball championship sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Kumawala si Gomez mula sa 6-6 pagkakatabla kay Re­yes upang angkinin ang sumunod na tatlong racks patungo sa kanyang malaking panalo.

Nauna nang tinalo ni Gomez si Imrad Majid ng Great Britain, 9-2, sa first round bago iginupo si Reyes upang itakda ang kanilang paghaharap ni American Jason Klatt, pinayukod ang mga kababayang sina Andrew Pettenger, 9-8, at Johnny Archer, 9-4.

Madali namang nailigpit ni Francisco “Django” Bustamante si Japanese Toru Kuribayashi, 9-2, para sa kanyang ikalawang sunod na panalo.

Makakatapat ni Bustamante si Edwin Montal, tinalo si 1996 US Open 9-ball ruler John Schmidt, 9-8, sa third round.

Tumumbok rin ng mga panalo sina Lee Vann “The Slayer” Corteza, Den­nis “Robocop” Orcullo, Ronato “Volcano” Alcano, Warren “Warrior” Kiamco at Lapena.

Ginitla ni Cortez si Chris Bartram ng United States, 9-5; sinorpresa ni Orcullo si John Morra ng Canada, 9-3; winalis ni Alcano si Glenn Atwell ng USA, 9-0; tinalo ni Kiamco si Huidje See ng the Nether­lands, 9-2; at pinahiya ni Lapena si Tommy Najar ng US, 9-1.

ALCANO

AMERICAN JASON KLATT

ANDREW PETTENGER

BUSTAMANTE

CHRIS BARTRAM

EDWIN MONTAL

GLENN ATWELL

GOMEZ

GREAT BRITAIN

HALL OF FAMER EF

HUIDJE SEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with