^

PSN Palaro

4 RP tracksters ikakasa sa China meet

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Apat na manlalaro sa athle­tics na nanalo ng ginto sa Laos Southeast Asian Games ang mangunguna sa Pambansang koponan na ilalaban sa Chinese Taipei International Athletics Meet.

Ang kompetisyon ay gaga­win mula Mayo 28 at 29 at sina Arniel Ferrera, Rene Herrera, Danilo Fresnido at Josie Villarito ang mga magtatangkang bigyan ng kinang ang kampanya ng koponang ipinadala ng Philip­pine Amateur Track and Field Association (PATAFA).

Si Ferrera ang kasalukuyang SEAG record holder sa hammer throw, si Herrera ang gold medalist sa 3000m steeplechase habang sina Fresnido at Villarito ay nanalo sa javelin throw.

Sina 10,000 at 5000m runner Julius Sermona at women’s high jumper Narcisa Atienza ang kukumpleto sa anim na manlalarong koponan na hahawakan ni coach Roslyn Hamero.

Sa kasalukuyan ay ta­nging si SEAG record holder sa women’s long jump Marestella Torres ang nakatiyak pa lamang ng puwesto sa Asian Games.

Si Torres nga ay naghahan­da na ring lumipad patungong Germany para sa intensibong pagsasanay at tanging ang Ger­man visa na lamang ang kanyang hinihintay para matuloy ang pagsasanay.

Ang athletics ay naghatid ng pitong ginto sa nagdaang Laos SEAG upang lumabas din bilang pinakaproduktibong (NSAs) sa nabanggit na kompetisyon na nilaro noong Disyembre.

AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

ARNIEL FERRERA

ASIAN GAMES

CHINESE TAIPEI INTERNATIONAL ATHLETICS MEET

DANILO FRESNIDO

JOSIE VILLARITO

JULIUS SERMONA

LAOS SOUTHEAST ASIAN GAMES

MARESTELLA TORRES

NARCISA ATIENZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with