^

PSN Palaro

PSN Fun Run dinagsa ng lahok

-

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagpapatala para sa “Pilipino Star NGAYONFun Run for a Cause” na naka­takda sa Mayo 15 sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Ilang libong runners na ang nagpalista para sa naturang event na nakatakda sa ganap na alas-5 ng umaga.

Ang mga events na nakala­tag ay ang 3k, 5k at 10k. Ang entry fee ay P350 (3k at 5k) at P400 (10k), kasama na ang li­mited edition na Pilipino Star NGAYON run singlet at race bib na may timing chips at donasyon sa Operation Damayan.

Ang pagpaparehistro ay ka­salukuyang nagaganap sa R.O.X. Bonifacio High Street, Chris Sports outlets sa SM MOA, SM North Edsa, SM Me­ga­mall at SM Sucat. Ang onsite registration ay makikita sa SM Mall of Asia grounds sa Mayo 10 at 11 mula alas-6:30 hanggang alas-9 ng umaga.

Maaari ring magpatala ang mga partisipante via online sa www.runningmate.ph/psngayon. Ang deadline ay nakatakda sa Mayo 12.

Makakatanggap ang mga top finishers ng mga cash prizes at gift packs sa fun run na suportado ng Globe, SM Mall of Asia, San Mig Coffee, Diamond Hotel, Pan Pacific, The Real Bank, Microtel, R.O.X., Chris Sports, Top Nine, Premier at media partners The Philippine STAR, PM, Freeman at Banat.

BONIFACIO HIGH STREET

CHRIS SPORTS

DIAMOND HOTEL

MALL OF ASIA

NORTH EDSA

OPERATION DAMAYAN

PAN PACIFIC

PASAY CITY

PILIPINO STAR

REAL BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with