MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 1,2000 taekwondo athletes ang maglalaban-laban para sa karangalan ng 2010 Smart National New Face of the Year Championships sa Mayo 8-9 sa Rizal Memorial coliseum.
“This is the event where newcomers can demonstrate what they have learned so far in the sports of taekwondo,” wika ni Philippine Taekwondo Association president Robert N. Aventajado.
Ang mga kalahok ay magmumula sa lahat ng affiliated PTA chapters at branches sa Metro Manila maging sa mga probinsiya, kabilang ang iba’t ibang military branches.
Ang aksyon ay tatampukan ng anim na kategorya, senior men at women, junior men at women at grade school boys and girls. Ang bawat division ay mayroong Novice 1 at 2 at Advance levels.