Arum dumating na, sasama sa kampanya ni Pacquiao

MANILA, Philippines - Mula sa Las Vegas, Nevada, bumisita si boxing promoter Bob Arum sa Pilipinas para suportahan ang kampanya ni Manny Pacquiao sa Sarangani province.

Nakasuot ng gray t-shirt at slacks, sinabi ni Arum na sasamahan niya ang Filipino world-seven division champion sa kanyang campaign convoy sa Sarangani province.

“You’ve got to understand -- I’m not here to talk about boxing. I’m not here as a boxing promoter, but as a wanna-be James Carville,” wika ni Arum.

Bagamat ayaw niyang sabihin na tungkol sa inaabangang laban ni Pacquiao kay six-time world champion Floyd Mayweather, Jr. ang kanyang biyahe, posible rin itong matalakay habang naririto siya sa bansa.

Si Clottey ang kinuha ni Arum nang mabigo ang kanilang negosasyon ng Golden Boy Promotions para sa Pacquiao-Mayweather megafight dahil sa ipinipilit ni “Pretty Boy” na pagsailalim nila ni “Pacman” sa isang Olympic-style drug testing.

“Yes I’m going to try to make it happen, I think it can… Sometime towards the end of the year,” sabi ni Arum.

Show comments