^

PSN Palaro

Lady Stags, Pirates mag-aagawan sa puwestuhan sa Final Four

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Agawan sa ikalawang panalo na maglalapit sa puwesto sa Final Four ang magaganap sa pagitan ng San Sebastian at Ly­ceum na magtatagpo sa pagbubukas ngayon ng Shakeys V-League Season 7 quarterfinals sa The Arena sa San Juan.

Kapwa may 1-0 karta ang Lady Stags at Lady Pirates sa Group A dahil nanalo ang mga ito sa University of St. La Salle Bacolod at Adamson na nangyari sa elimination round sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT My DSL na suportado ng Shakey’s Pizza.

Sa format ng liga, ang walong natitirang koponan ay hi­­nati sa dalawang grupo at ang mga panalong nakuha sa eliminasyon laban sa ka-grupong koponan ay itatala sa kanilang karta.

Ang nagdedepensang UST na kasama ng Ateneo na may 1-0 karta sa Group B ay paborito naman na makuha ang 2-0 karta dahil katipan nila ang St. Benilde sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Inaasahang balikatan ang ma­gaganap sa unang laro dahil parehong may ipinagmamala­king Thai imports ang dalawang koponan sa torneong suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond.

Si Porntip Santrong ang pan­laban ng Lyceum na tinapos ang eliminasyon tangan ang 3-1 baraha dahil na rin sa ibinibigay na 19 points kada laro ng Thai import.

Sa kabilang banda, ang re­si­dent Thai import na si Jeng Bualee naman ang ipaparada ng Baste at ang import na ito ang siyang nangunguna sa pag­­puntos sa liga sa ibinibigay na 20 kada laro.

Ang suporta ng mga local pla­yers ang tatayo ngayong ma­­halagang bagay upang ma­­ipanalo ang kani-kanilang koponan.

Ang Lady Tigresses naman ay isasandal ang kampanya kina Aiza Maizo, Maika Ortiz, Angeli Tabaquero at Mary Jane Balse upang makapagdomina sa Lady Blazers na nagkaroon lamang ng isang panalo sa apat na laro sa elims.

vuukle comment

AIZA MAIZO

ANG LADY TIGRESSES

ANGELI TABAQUERO

FINAL FOUR

GROUP A

GROUP B

JENG BUALEE

LADY BLAZERS

LADY PIRATES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with