^

PSN Palaro

USJ-R spikers sinibak na ng Lyceum netters

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagbakasyon na ng tuluyan ang University of San Jose-Recoletos sa Shakey’s V-League Season 7.

Nakitaan uli ng husay sa paglalaro si Thai import na si Porntip Santrong habang nagpasiklab din sina Dalhia Cruz at Joy Ca­ses para tulungan ang Lyceum sa 25-17, 25-20, 25-18 panalo sa USJ-R sa pagtatapos kahapon ng elimination round sa The Arena sa San Juan.

May 16 hits si San­trong bukod pa sa pagi­ging aktibo sa loob ng court sa ginawang 10 digs at 12 of 16 sa reception upang igiya ang Lady Pirates sa 3-1 karta sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT MyDSL sa suporta ng Sha­key’s Pizza.

Si Cruz ay naghatid naman ng 15 hits habang 13 naman ang ibinigay ni Joy Cases para sa nanalong koponan na nagawang ipasok ang pahingang St. Benilde sa quarterfinals.

“Bumaba ang morale ng mga bata ng manalo sa Ateneo sa huling game kaya halos sa mental side ang ginawa naming prepa­rasyon para sa larong ito,” wika ni Lyceum coach Emil Lontoc.

Ang kabiguan ng Lady Jaguars ay ikaapat na su­nod sa torneong may suporta rin ng Mighty Bond, Accel at Mikasa kaya’t ang kumuha sa ika­apat na puwesto sa grupo na lalaro sa quarterfinals ay ang Lady Blazers na may 1-3 baraha.

Si Abigail Praca ay may 12 puntos pero ininda ng USJ-R ang malamig na paglalaro ng kanilang guest player na si Michiko Castaneda na gumawa lamang ng tatlong puntos.

Ang number one at three teams sa Group A at B ang bubuo sa isang grupo habang magka­kasama naman sa isang grupo ang number two at four sa quarterfinal round.

DALHIA CRUZ

EMIL LONTOC

GROUP A

GROUP B

JOY CA

JOY CASES

LADY BLAZERS

LADY JAGUARS

LADY PIRATES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with