ATLANTA - Isang panalo na lamang ang kailangan ng Milwaukee Bucks upang makasampa sa second round ng NBA playoffs.
Ito ay matapos igupo ng Bucks ang paboritong Atlanta Hawks, 91-87, sa Game 5 upang angkinin ang malaking 3-2 abante sa kanilang first-round playoff series.
Umiskor si Brandon Jennings ng 25 points, habang nakahugot naman ng krusyal na charging foul ang beteranong si Kurt Thomas kay Joe Johnson.
Ito ang unang paglalaro ng Milwaukee sa playoffs matapos noong 2006 kontra sa third-seeded na Atlanta, dadayo sa balwarte ng Bucks sa Game 6 sa Biyernes.
“The pressure’s not on us,” wika ni Jennings.
Pinanood lamang ni Milwaukee center Andrew Bogut ang mga Bucks na sementado ang kanang kamay bunga ng kanyang pagbagsak matapos ang isang two-handed slam dunk sa regular season.
Umiskor naman ang 20-anyos na si Jennings ng 12 sunod na puntos sa kaagahan ng laro at nagsalpak ng mahalagang freethrows para sa tagumpay ng Milwaukee sa Atlanta.
Humugot ang 37-anyos na si Thomas ng charging foul kay Johnson sa 2:15 ng fourth quarter para sa ikaanim at huling foul ng scoring leader ng Hawks.
Samantala, sisikapin naman ng Denver Nuggets na maging kauna-unahang koponan sa nakalipas na apat na taon na nakabangon mula sa 3-1 deficit sa playoffs, makaraang maungusan ang Utah Jazz sa kabila ng pagkawala ng kanilang sentrong si Nene na na-sprained ang kaliwang tuhod sa first half.