PSC dumapa sa EPD reporters

MANILA, Philippines - Nakuha ng Eastern-DepEd Reporters ang unang panalao sa 1st Harry Angping Inter-Media Basketball Tour­nament makaraang pataubin ang Philippine Sports Commission (PSC), 50-42 sa Rizal Memorial Stadium kamakalawa.

Dikit ang laban sa pagtatapos ng unang quarter ngunit nagawang lumayo ng Eastern team sa pagtutulungan nina Jumbo Caliwan, Reuben Manahan at Mikko Baylon sa 2nd at 3rd quarter kung saan lumamang pa ng higit 15 puntos.

 Ito ang unang panalo ng Eastern-DepEd makaraang yumuko sa unang asignatura nito kontra sa mas malala­king Defense media group. 

Show comments