^

PSN Palaro

Sweep malabo na sa Cavs: Rose ibinigay sa Bulls ang Game 3

-

CHICAGO--Ngayon, ma­aari nang kalimutan ni LeBron James at ng Cle­veland Cavaliers ang pagwalis sa Chicago Bulls sa kanilang playoffs series.

Umiskor si Derrick Ro­se ng 31 points, habang may 27 naman si Kirk Hin­rich upang gibain ng Chicago ang top-seeded Cavaliers, 108-106, at ilis­ta ang 1-2 sa Game 3 ng kanilang first-round se­ries.

“We stayed strong,” ani Chicago center Joakim Noah, humakot ng 15 re­bounds. “D-Rose played huge for us. It just feels really good to come out with a win right now.”

Humugot naman si James ng 13 sa kanyang 39 points sa fourth quarter ngunit nakagawa naman ng ilang turnovers sa hu­ling yugto para sa Cle­veland.

Nailapit ng Cavaliers ang laro sa 106-107 matapos ang 3-point shot ni Mo Williams sa huling 3.8 segundo. Kaagad nilang dinala sa freethrow line si Bulls’ forward Luol Deng para sa split nito.

Nakuha ni Anthony Par­ker ang rebound at agad na pumorma sa 3-point range ngunit nagmintis sa pagtunog ng final buzzer.

Sa Oklahoma City, na­itama ni Kevin Durant ang kanyang shooting form sa tamang oras at bandera­han ang Thunder sa 101-96 paggapi sa Los Angeles at ibaba ang bentahe ng Lakers sa 2-1 sa kanilang playoff series.

Sa unang laro `sa playoff game sa Oklahoma City, nagposte si Durant ng 29 puntos at 19 rebounds.

Nakabalik ang top-see­ded Lakers sa 98-96, may 13.5 segundo na lang sa laro, ngunit sinelyuhan ng Thunder ang kanilang panalo sa foul line para agawin ang Game 3.

Nakatakda ang Game 4 sa Sabado sa balwarte pa rin ng Oklahoma.

Sa Portland, Oregon, kumana si Jason Richardson ng playoff career-high 42 puntos upang imando ang Phoenix na dinomina ang home team mula sa simula ng laro at kunin ang 2-1 pangunguna sa bisa ng 91-80 tagumpay laban sa Blazers.

Umabante ang Suns ng maraming beses sa 31 puntos, bago nagbaba ng rally ang Portland sa final canto at inilapit ang iskor sa 91-80 makaraang tumirada si Rudy Fernan­dez ng tatlong dikit na tri­ples.

Ngunit huli na ang na­sabing atake para sa Bla­zers, na lumasap ng kabiguan nang ang kanilang starting forward na si Nicolas Batum ay nagtamo ng injury sa balikat.

ANTHONY PAR

CHICAGO BULLS

CLE

DERRICK RO

JASON RICHARDSON

JOAKIM NOAH

KEVIN DURANT

KIRK HIN

LOS ANGELES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with